Huwebes, Oktubre 15, 2015

demand at supply

Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo ay may malaking impluwensisa sa pagtatakda ng demand ng mga konsyumer. Ito ang pangunahing salik na nakapagpapabago ng demand ng mga konsyumer. Ang demand ay maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo. Ito ay kailangang sabay na umiiral upang maitakda ang demand ng konsyumer, na siyang pangunahing aktor ng konseptong ito. Sinasabing ang demand at presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba't ibang paraan.

Demand Function- Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipahahayag ang ugnayan ng presyo at demand. Ito ang nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variables. Ang Qd(Quantity demanded) na dependent variable at P(presyo) bilang independent variable. Ang Qd ay nagbabago, maaaring tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng P.

Demand Schedule- Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon ay ipinapakita ng demand schedule. Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng demand ng mamimili sa bawat lebel na presyo.

Demand Curve- Ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhin produkto. Mula sa demand schedule ng produktong guyabano ay maipapakita ang demand curve. Ang graph ay binubuo ng dalawang axes, ang horizontal at vertical axes. Ang presyo ay sa Y axis at Qd sa X axis. Upang makabuo ng demand curve, i-plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.
         Matapos i-plot and Qd at presyo, pagdugtung-dugtungin ang bawat punto upang mabuo and demand curve. Ito ay ipinakikita ng graph blg. 1.

Market Demand- Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama ay makukuha ang market demand. Ipagpalagay na mayroong tatlong konsyumer ng produkto guyabano sa pamilihan. Tingnan ang talaan upang makita ang market demand.

Batas ng Demand- Ang batas ng demand ay nagsasaad ng habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kaoag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Sa nasabing batas, presyo lamang ang nakaaapekto sa demand. Ito ay naglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng Qd at presyo.

Panlasa/Kagustuhan- Ang pagkahiling ng mga Pilipino sa mga imported na produkto ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din ng pagbabago sa demand ng mamimili. Dito pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto, ngunit kapag ito ay nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o marginal utility ay paliit nang paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto. Kaya ang demand sa produkto ay bumababa. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na nagreresulta ito sa pagtaas o pagbaba ng demand sa iba't ibang produkto.

Kita- Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa pagbili ng mga bagay na kailangang matamo. Halimbawa, mula sa tinanggap na kita, malaking porsiyento ang inilaan para sa demand sa pagkain, nangangahulugan na maliit na porsiyento na lamang ang nakalaan sa demand sa damit at ibang bagay. Ang pagkakaroon ng malaki o maliit na kita ng tao ay nakaaapekto sa pagtatakda ng demand. Likas sa tao na kapag tumaas ang kita ay naghahangad na makabili ng maraming produkto kaysa sa dati niyang binibili.

Populasyon- Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang nagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga mamimili na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas and demand sa iba't ibang produkto. Maraming produkto ang kailangang iprodyus upang matugunan ang demand ng mga tao.

Presyo ng Magkaugnayan na Produkto- Mayroong tinatawag na substitute goods at complementary goods. Ang substitute goods ay mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nagtutulak sa mamimili na humanap ng kapalit na produkto.

Okasyon- Sa  kultura ng ating  bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang okasyon na dumarating. Pinahahalagahan natin ang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya sa bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon  sa okasyong ipinagdiriwang. Tulad halimbawa ng mga bulaklak at tsokolate kapag arawa ng mga puso,kaarawan,at anibersaryo,bulaklak at kandila naman kung Araw ng mga Patay,damit,sapatos,laruan,alahas,appliance, at pagkain kapag sumasapit  ang Kapaskuhan at Bagong Taon, at masasarap na pagkain tuwing may pista.

Ekspektasyon- Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang nangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, may kaguluhan at digmaan sa pagitan ng mga bansa at di pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde, ang mga mamimili ay nag-iisip na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaring maganap. Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga mamimili ay nagpa-panic buying, lalo na ang mga tao na may sapat at labis na salapi. Bunga ng ganitong reaksiyon at espekulasyon, ang demand sa mga produkto ay tataas, kaya't ang presyo at tataas din.

Pagbabago ng Kurba ng Demand- Kung ang presyo ay hindi magbabago, makikita ang pagbabago ng kurba ng demand bunga ng iba't ibang salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o vice versa. Ang graph blg.3 ang nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand mula sa kaliwa papuntang kanan. Ang D1-D2 ay nagpapakita ng pagtaas ng demand bunga ng iba't ibang salik, kahit ang presyo ay di-nagbabago.

Elastisidad ng Demand- Ang pagbabago ng demand ay sanhi ng iba't ibang salik. May pagkakataon na ang demand ay tumataas at bumababa bunga ng apekto ng mga salik, lalo na ang presyo. Ngunit dapat natin malaman kung gaano kalaki o kaliit ang magiging pagbabago ng demand dahil sa pagtaas at pagbaba ng presyo.

Di-elastik- Ang pagtugon ng mamimili sa porsiyento ng pagbabago ng presyo ay higit na mababa. Ang value na mababa sa isa ang kumakatawan sa di-elastik na elastisidad. Ibig sabihin, sa bawat 1% na pagtaas ng presyo, ang mamimili ay magbabawas ng kanyang bibilhing produkto nang mas mababa sa 1%. Ang mamimili ay walang kakayahan na bawasan nang mas marami ang demand kumpara sa porsiyento ng pagtaas ng presyo. Ang ganitong pagtugon ng mamimili ay makikita sa mga produktong kailangang-kailangan, tulad ng bigas,asukal,atlangis,mga serbisyo at produktong walang kapalit o malapit na pamalit, tulad ng serbisyo ng tubig at elektrisidad.

Ganap ba Di-elastik na Elastisidad- Ang kawalan ng kakayahan ng mamimili na magbawas ng demand sa bawat pagtaas ng presyo ay makikita sa ganap na di-elastik na elastisidad. Ang namamimili ay nakahandang tumanggap ng anumang pagtaas ng presyo. Ang dami ng bibilhing produkto (Qd) ay hindi magbabago kahit patuloy na magtaas ng presyo ang mga nagbibili. Halimbawa, ang gamot na kahit magtaas ng presyo ang mga nagbibili, bibilhin pa rin ang takdang dami ng gamot na kailangang inumin.

Elastik- Ang value na mahigit sa isa ay naglalarawan sa elastik na elastisidad. Ang pagtugon ng mamimili sa bawat porsiyento.

Ganap na Elastik- Ito ang nagpapakita na ang mamimili ay hindi handang tumanggap ng anumang pagtaas ng presyo ng mga produktong maraming kapalit at hindi gaanong kailangan.

Unitary- Ang pagtugon ng mamimili sa porsiyento ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na unitary kapag ang value na katumbas ng 1 ang nakuha sa kompyutasyon. Ito ay nangangahulugan na sa bawat 1% na pagbabago ng presyo, ang demand ay bababa ng 1% sa mga produktong maliit na porsiyento lamang ang kinukonsumo ng mamimili, tulad ng karayom, aspile, posporo, mga kendi,kandila,asin at iba pa.

Kompyutasyon ng Presyong Elastisidad ng Demand- Malalaman kung ilang porsiyento ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo ng produkto sa pamamagitan ng pag-alam at pagkompyut ng presyong elastisidad ng demand.


Kahulugan ng Supply
          Ang gawi at kilos ng mga prodyuser ang pinag-aaralan sa bahaging ito. Sila ang tinatawag na supplier. Ang pagnanais at kakayahan ng mga supplier ang batayan ng pagtatakda ng supply sa pamilihan. Kailangang sabay na umiiral ang mga katangiang ito upang masabi na may supply sa pamilihan.

Supply Function- Sa pamamagitan ng mathematical equation ay mailalarawan ang supply function. Ito ay ginagamit ng dalawang variables, ang Qs bilang dependent variable at P bilang independent variable. Ang Qs (quantity supplied) ay naaapektuhan ng anumang pagbabago ng P (presyo). Ipagpalagay na ang mathematical equation ay Qs= -300 + 60P. Ang -300 ay ang imposibleng dami ng produkto panyo na ipagbibili kung ang presyo ay P5.00..

Supply Schedule- Mula sa paggamit ng supply function na inilahad, makabubuo ng isang talaan na maglalarawan sa dalawang variables.

Dami ng Panyo- Makikita sa supply curve na presyong P5.00 ay hindi handang magbibili ang tindera ng produktong panyo. Ngunit kapag ang presyo ng panyo ay tumaas sa halagang P7.00, ang tindera ay handang magbili ng 120 piraso ng panyo. Kung presyo ay maging P20.00, ang handang ipagbili ay 900 piraso ng panyo habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang Qs ay tumataas kaalinsabay ng pagtaas ng presyo na naglalarawan ng tuwirang relasyon ng Qs T presyo.

Market Supply- Kapag pinagsama-sama ang mga supply ng bawat prodyuser sa pamilihan ay makukuha ang market suppply.

Batas ng Supply- Ang batas ng supply ay nagsasaad ng habang ang presyo ng produkto ay tumataas, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser.

Teknolohiya- Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong kaalaman at kagamitan sa paglikha ng mga produkto. Nagiging mabilis ang paglikha ng mga produkto sanhi ng mga makabagong makinarya at pamamaraan.

Dami ng Nagtitinda- Ang dami ng tindera ng isang produkto ay dahilan ng pagdami ng supply ng nasabing produkto.

Subsidy- Ang subsidy ay tuloy na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante at mga magsasaka upang paramihin ang kanilang produksiyon at pataasin ang supply ng mga produkto.

Kagastusan- may iba't ibang gastusin ang nakapaloob sa paglikha ng mga produkto.